-- Advertisements --
Muling nakitang magkasama ang actress na si Kathryn Bernardo at si Lucena Mayor Mark Alcala.
Ayon sa mga fans na maraming mga nakakita sa dalawa na magkasama habang nasa Bonifacio Global City.
Mabilis na sumakay ang dalawa sa van sa madaling araw noong Hunyo 6.
Bukod pa dito ay nakita rin na magkasama ang dalawa sa isang skin care clinic sa Quezon City sa parehas din na araw.
Noon pang Disyembre ng maging matunog ang usapan na may relasyon ang dalawa dahil sa nakikita silang magkasama ng kanilang fans.