-- Advertisements --

Kusang-loob na isinuko ng isang concerned local citizen at dalawang mangingisda sa mga awtoridad ang ₱20,400,000.00 halaga ng shabu (methamphetamine hydrochloride) na natagpuang inanod sa baybayin ng Ilocos Norte.

Ang shabu, na nakalagay sa tatlong plastic bag na may mga Chinese character markings, ay may tinatayang kabuuang bigat na tatlong kilo.

Ang mga ito ay natagpuang palutang-lutang sa mga baybayin ng sumusunod na barangay sa Ilocos Norte:

  • -Barangay Pangil, Currimao
  • -Barangay 33-A, La Paz, Laoag City
  • -Barangay Masintoc, Paoay

Ang mga pakete ng shabu ay isinuko sa  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Ilocos Norte Provincial Office, kasama ang mga local counterparts  mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) noong Hunyo 12 at 13, 2025.

Ayon kay PDEA Director General Isagani R. Nerez, Patuloy ang retrieval operations at pagsusuri sa mga baybaying-dagat hangga’t hindi pa ganap na na-iinspeksyon ang lahat ng karatig na lugar.