Nasa stable condition na ang 19 na Chinese workers na nagtatrabaho sa isang POGO hub sa Kawit, Cavite.

Sa kasalukuyan ay nananatili sa San Juan de Dios Hospital ang mga banyaga.

Sinasabing nalason ang mga ito mula sa hindi pa matukoy na uri ng pagkain o inumin.

Nagtatrabaho umano ang mga Tsino sa First Orient International Ventures na isang POGO office.

Kabilang sa isinasailalim sa pagsusuri ang mga pagkain at inuming naibigay sa mga dayuhan sa nakalipas na 24 na oras.