-- Advertisements --

Maganda ang naging turnout ng botohan sa paaralan kung saan bomboto si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Cavite.

Inihalintulad niya ito sa pakiramdam ng pagsusulit para sa board exams.

Sinabi niyang maaari siyang mag-monitor ng resulta kahit saan dahil maging ang Visayas at Mindanao ay kanila ring mino-monitor.

Samantala, nagkaroon naman ng kaunting problema sa bagong voting machine, kung saan kinailangang baligtarin ang balota upang ito ay matanggap ng makina.

Pinayuhan niya ang mga botante na bumoto nang matalino dahil ang kanilang pasya ay makakaapekto sa susunod na henerasyon.

Binigyang-diin nito ang benepisyo para sa mga LGU sa pambansang budget bilang kanyang legislative priority.