Bumati din ngayong araw para sa 127th Philippine Independence si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Sa maikling mensahe, sinabi ni Huang na bilang mga Tsino, natutunan nila ang halaga ng kalayaan sa pamamagitan ng matinding pagsubok noong World War II.
Maraming sakripisyo ang kinaharap upang makamit ang kalayaan at lumakas bilang isang bansa.
Dagda pa niya na kagaya ng mga Pinoy, maraming overseas Chinese din ang lumaban sa iba’t ibang digmaan para sa kalayaan hindi lang ng Tsina, kundi pati ng ibang bansa.
Kasama na aniya rito ang Pilipinas, kung saan nagbigay sila ng suporta at sakripisyo para sa kalayaan ng bayan.
“Did you know that overseas Chinese have fought in various wars throughout history in pursuit of freedom and independence—not only for China but also for other nations, including the Philippines?” wika ni Huang.
Matatandaang naging masalimoot ang ugnayan ng Pilipinas at China sa mga nakalipas na pagkakataon dahil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.