Plano ngayon ng Democratic Republic of Congo na ilipat ang kanilang embahada na matatagpuan sa Israel patungo sa Jerusalem.
Ayon sa dalawang bansa na gumagawa na sila ng hakbang para sa paglilipat ng kanilang embahada mula Tel Aviv patungo sa Jerusalem.
Ginaya na rin nila ang ibang mga maliliit na bansa na inilipat ang kanilang embahada sa Jerusalem.
Noong nakaraang buwan kasi ay nagpahayag ang Colombia at Pacific Island nation na Nauru na plano nilang lumipat ng Embahada sa Jerusalem.
Ang nasabing desisyon ay matapos ang pagbisita ni President Felix Antoine Tshisekedi ng DRC sa Israel at nakausap si President Isaac Herzog.
Ilang mga bansa na mayroong embahada sa Jerusalem ay kinabibilangan ng US, Guatemala, Honduras, Kosovo, Papua New Guinea, Paraguay, Fiji at Somaliland
















