Tuluyan ng nagretiro si Memphis Grizzles player Zach Randolph matapos ang 17-taon na paglalaro sa NBA.

Sa kaniyang Twitter account inanunsiyo ng 38-anyos na si Z-Bo ang kaniyang pagreretiro matapos ang pagkatalo nila sa Detroit Pistons.

Sinabi nito na ibinigay niya lahat at ibinigay ang lahat ng mga makakaya sa paglalaro.

Naging 19th overall pick ng Portland Trail Blazers si Randolph noong 2001 NBA Draft.

Nagtapos ang kaniyang career na mayroong 18,578 points at 10,208 rebounds.

Dalawang beses itong napasama sa All-Star at nahirang bilang NBA Most Improved Player ng 2003-2004.

Matapos ang paglalaro sa Portland ay naglaro ito sa New York Knicks, Los Angeles Clippers, Memphis Grizzles at Kings.

Taong 2017 ng ianunsiyo Grizzles na kanilang ireretiro na ang jersey ni Randolph.