-- Advertisements --

Sumailalim sa operasyon sa kaliwang tuhod si Philadelphia 76ers star Paul George.

Ayon sa NBA , natamo ng 35-anyos na si George ang injury habang sila ay nag-eensayo.

Magsisimula ang kaniyang rehabilitation at susuriin pa ng mga doctor kung ito ay maari ng makasali sa training camp ng koponan sa Setyembre.

Ang nine-time NBA All-Star ay kinuha ng Sixers noong Hulyo.