Nahalal bilang pangulo ng National Basketball Players Association (NBPA) ang 1-time NBA champion na si Fred VanVleet.
Pamumunuan ni VanVleet ang lahat ng mga player ng NBA sa loob ng apat na taong termino.
Ang 31-anyos na guard ay siyam na taong nang naglalaro sa liga at sa kasalukuyan ay siya ang nagsisilbing starting guard ng Houston Rockets.
Nagsimula ang kaniyang professional career bilang undrafted noong 2016. Tumuloy siya sa G-League at kinalaunan ay kinuha ng Toronto Raptors dahil sa magandang performance. Sa tulong ng kaniyang shooting skills, naiuwi ng Raptors ang una nitong kampeonato noong 2019 sa pangunguna ni Kawhi Leonard.
Sa kaniyang naging mensahe kasunod ng pagkakahalal, nangako si VanVleet na isusulong ang interest ng bawat miyembro at player ng NBA.
Aniya, naiintindihan niya ang mga hamong kinakaharap ng bawat player, at tiniyak na kaniya itong tututukan nang may dedikasyon.
Pinalitan ni VanVleet si Washington Wizards guard CJ McCollum na nagsilbing presidente ng NBPA mula 2021 hanggang 2025 at Vice Presidente ng naturang asosasyon mula 2018-2021.
Samantala, makakasama ni VanVleet ang iba pang mga player ng NBA sa ilalim ng Executive Committee. Kinabibilangan ito nina Grant Williams, Mason Plumlee, Jaylen Brown, Donovan Mitchell, atbpa.