-- Advertisements --

Nanawagan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga sundalo na manatiling nakatuon sa kanilang tungkulin sa gitna ng isyu ng dual citizenship ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Ayon kay Brawner, naipaliwanag na ni Teodoro ang isyu, at sinabi nitong tinalikuran niya ang kanyang banyagang pasaporte noong 2021.

Iginiit din ng AFP chief na nananatiling tapat si Teodoro sa Konstitusyon at sa bayan.

Nang tanungin naman kung may katulad na isyu sa loob ng AFP, sinabi ni Brawner na personal na usapin ito at hindi dapat makakaabala sa pangunahing tungkulin ng militar.