-- Advertisements --

Sumalang sa mga serye ng workout ang bagitong Filipino forward na si Kevin Quiambao kasama ang limang NBA team.

Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone, bahagi ito ng pagnanais ni Quiambao na makapasok pa sa NBA Summer League na kasalukuyang isinasagawa sa naturang liga.

Una nang napaulat ang posibleng paglalaro ni Quiambao sa Sacramento Kings Summer League roster ngunit kinalaunan ay hindi rin pinalad ang bagitong forward. Ang Kings ay ang NBA team kung saan isa sa mga nagsisilbing coach ang PBA legend na si Jimmy Alapag.

Ayon kay Coach Cone, kung magkakaroon ng interes ang iba’t-ibang team para sa Filipino forward, posibleng lalo pa siyang magtatagal sa liga.

Unang nagsimula ang Summer League noong July 10 at magtatagal ito hanggang sa July 21.

Sa kasalukuyan ay may kontrata si Quiambao sa Goyang Sono Skygunners sa Korean Basketball League.

Nagsisimula na ring maghanda ang Gilas para sa nalalapit na FIBA Asia Cup sa Saudi Arabia sa Agusto. Si Quiambao ay isa sa mga miyembro ng national team. / Bombo Genesis Racho