-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ni Kiefer Ravena ang personal na pagkakakilala niya sa ilang mga sikat na basketball player sa mundo.
Sa isang pagtitipon ng isang sports brand sa Athens, Greece, ay ibinahagi ng dating Gilas Pilipinas player ang larawan kasama ang sikat ng mga basketbolista.
Sa social media account nito ay makikita ang selfie nila ng NBA legend na si Michael Jordan.
Kasama rin nito ang ilang mga manlalaro gaya nina Carmelo Anthony, Rip Hamilton, Mike Bibby.
Nandoon din sa pagtitipon ang kasalukuyang manlalaro ng NBA gaya nina Los Angeles Lakers star Luka Doncic at Rui Hachimura, Miami Heat stars Jaime Jaquez Jr at Bam Adebayo; Zion Williamson ng New Orleans at Paolo Banchero ng Orlando Magic.