Screenshot 2019 06 01 18 49 13

Hindi nasaktan si Senator Richard Gordon sa mga naging banat sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng mambabatas na nirerespeto nito ang opinyon ng sinuman at hindi maaaring maging balat-sibuyas ito.

Magugunitang pinuna ni Gordon ang ginagawang pagtatalaga ni Pangulong Duterte ng mga retiradong sundalo at pulis sa kaniyang gabinete.

Sinagot naman ito ng Pangulo ng ito ay magtalumpati sa 28th founding anniversary ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung saan hinamon nito si Gordon na magbigay ng halimbawa kung may mga police o military ang hindi sumunod sa kaniyang utos.

Kinuwestiyon din nito ang senator at sinabing walang pag-asang maging bise presidente si Gordon.