Reading Time: 1 minute
Barangay Ginebra
Barangay Ginebra/ PBA image

Pinigilan ng Barangay Ginebra ang TNT KaTropa na tapusin na ang kanilang semifinals game matapos sila ay magwagi 80-72 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Isang panalo na lamang kasi ang kailangan ng TnT sa kanilang best of five semifinals matapos magtala ng 2-0 na kalamangan subalit nahablot ng Ginebra ang panalo sa game 3.

Naging bida sa panalo ng Ginebra LA Tenorio na nagtala ng 16 points haban mayroong 14 points si Justin Brownlee.

Nag-ambag naman ng 14 point si Joe Devance at 10 points si Scottie Thompson.

Aminado si Ginebra coach Tim Cone na dumaan sila sa pagsubok para makuha ang panalo at nagpasalamat ito dahil buhay pa ang kanilang tsansa para makapasok sa finals.

Nasayang naman ang nagawang 24 points at 18 rebounds ni Terrence Jones para sa TNT.