Pasok na sa PBA Governor’s Cup Finals ang Barangay Ginebra matapos tambakan ang NorthPort 120-107.

Naging bida sa panalo si Justin Brownlee na nagtala ng 36 points, 19 rebounds at walong assists.

Mayroon namang 20 points, nine rebounds, pitong assists si Japeth Aguilar habang mayroong 19 points si LA Tenorio.

Magugunitang unang nakuha ng NorthPort ang panalo sa best of five semifinals at tatlong sunod na naipanalo ng Ginebra ang laban.

Huling nakapasok sa finals ang Ginebra ay noong 2016 at 2017 kung saan binigo sila ng Magnolia noong nakaraang taon.

Labis naman ang kasiyahan ni Ginebra coach Tim Cone dahil sa muli nilang panunumbalik sa finals.

Nasayang naman ang ginawang 32 points at 15 rebounds ni Christian Stanhardinger habang mayroong 29 points si Paolo Taha ng Batang Pier.

Target nila ang ika 12th championship ng liga.

Magsisimula ang first game sa best of seven finals sa Enero 8 kung saan makakaharap nila ang sinumang manalo sa pagitan ng TNT Katropa at Meralco Bolts.