Nalusutan ng Barangay Ginebra ang matinding depensa ng Meralco Bolts 110-95 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na umabot pa sa 15 points ang hinabol ng Gins para tuluyang talunin ang Bolts.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang panalo ng Ginebra na nagtala ng 27 points, 11 rebounds at walong assists.

Nagdagdag naman ng 19 points at 16 points si Arth Dela Cruz habang mayroong 14 points si Sol Mercado.

Aminado si Ginebra coach Tim Cone na nahirapan sila sa simula kaya labis ang paghanga niya sa kaniyang mga manlalaro na nalusutan ang Bolts.