-- Advertisements --

Ibinasura na ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang isinumiteng Motion for Reconsideration ni Luis “Joey” Chua Uy na may kaugnayan sa pag-kansela ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) dahil sa kanyang citizenship. Kaya naman, pormal ng pinapaproklama ng poll body sa Manila City Board of Canvassers si Bienvinido “Benny” Abante bilang congressman ng ika-6 na distrito ng Maynila.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, tinanggihan ang kanyang Motion for Reconsideration dahi hindi pinaniwalaan ng En Banc ang naging argumento ng respondent at nanindigan ang En Banc na siya ay hindi Pilipino.

Bagaman pinpaproklama na si Abante, nilinaw ng poll body na ang pinal na desisyon ay manggagaling pa din sa House of Representatives dahil dito titignan kung sino ang kanilang kikilanin bilang miyembro ng Kamara pagbalik ng kanilang session.

Aniya, maaari pa rin namang dumulog sa Korte Suprema upang harangin ng kampo ni Uy ang pagproklama kay Abante.

Binigyang-linaw ni Garcia na kapag nakapag-oath, naiproklama, at nag-assume ng office, doon lang maaaring pormal umupo at magsilbi ang isang kandidato. Sa kasalukuyan, si Uy pa lamang ang naipoproklama sa kanilang dalawa.