-- Advertisements --

Nagdadalamhati ngayon ang industriya ng showbiz sa pagpanaw ng beteranong kolumnista at talent manager na si Lolit Solis, na kilala sa tawag na “Nanay Lolit.”

Siya ay 78 taong gulang nang bawian ng buhay noong Hulyo 3, 2025, bandang alas-12:55 ng madaling-araw, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang kaibigang si Gorgy Rula.

Ilang kilalang personalidad naman ang nagbigay ng tribute sa kanya sa social media, kabilang ang mga artistang minsan niyang minanage.

Kabilang dito si Jojo Revilala na nag-pasalamat sa dating manager, aniya nagpapasalamat siya sa minsang pag-aalaga nito sa kanya, lalo na noong minanage aniya daw siya nito.

‘We will miss you nanay, mahal na mahal ka namin,’ pahayag nito.

Si Lorna Tolentino at Sandy Andolong, na dating parehong alaga ni Lolit, ay nagbahagi rin ng kanilang mensahe.

‘Manay Lolit leaves behind a loving family and many friends who will always cherish her memory. We love you, our dearest Nay Lolit, you will be missed.’

Samantala, emosyonal namang ibinahagi ni dating Senator Bong Revilla ang naging samahan nila ng namayapang kolomnista.

‘Para akong nawalan ulit ng nanay. Maraming salamat sa iyong pagkalinga at walang sawang suporta sa akin at sa aking pamilya. Napakalaki mong kawalan sa aming lahat,’ ani nito sa kanyang caption sa social media.

Nagpaabot din ng tribute ang kolumnistang si Salve Asis, na madalas banggitin ni Lolit sa kanyang Instagram. “Rest in Paradise, Nay. Manay Lolit, you will forever be in our hearts.”