-- Advertisements --

Kahit na tiyak na ang lugar ng Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup 2023 ay hindi pa rin daw nagbabago ng kanilang hangarin na para magwagi.

Tiyak na kasi ang Japan at Pilipinas sa puwesto sa World Cup bilang dalawa sa tatlong hosts na napili habang ang Indonesia ay kailangan makapasok sa top eight sa FIBA Asia Cup 2021.

Pabor din sa Gilas ang naganap na qualifying draw kung saan makakasama nila ang India, South Korea at New Zealand sa Group A para sa qualifiers na magsisimula sa Nobyembre.

Sinabi ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin na paghahandaan pa rin nila ang nasabing mga laro.

Iisa aniya ang kanilang hangarin na mangibabaw sa nasabing mga laro.

-- Advertisement --