Reading Time: 1 minute
Tyson Fury
Tyson Fury/ IG post

Nagwagi sa pamamagitan ng unanimous decision si Tyson Fury para maidepensa ang WBC heavyweight title laban kay Otto Wallin ng Sweden.

Kahit na labis ang pagdurugo ng kaniyang mata ay hindi hinayaan ng 31-anyos British boxer na mabahiran ng talo ang kaniyang malinis na record na 30-0 sa laban na ginanap sa Las Vegas.

Natamo nito ang sugat sa ikatlong round at inamin Fury na talagang nahirapan siya sa nasabing injury.

Nakuha ng Fury ang score na 116-112, 117-111 at 118-110 points.

Agad namang dinala sa pagamutan si Fury matapos ang laban.