-- Advertisements --
Nagbigay ang Department of Health (DOH) ng libreng human immunodeficiency virus (HIV) testing, konsultasyon, at iba pa, sa ginanap na “Love Loud Love Safe: Pride Run 2025” nitong Linggo.
Ayon sa DOH, nag-alok sila ng libreng HIV testing at konsultasyon, libreng condoms, lubricants, pre-exposure prophylaxis (PrEP), at HIV self-testing kits, at Pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa HIV/AIDS at Undetectable = Untransmittable (U=U)
Samantala available din nang libre sa iba’t ibang testing hubs sa buong bansa mula 3 a.m. hanggang 9 a.m.
Sa kabila nito, nanawagan naman ang DOH kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklara ang HIV bilang isang national public health emergency dahil sa mabilis na pagtaas ng mga bagong kaso sa bansa.