Reading Time: 1 minute
France Basketball bronze
France Basketball / FB image

Pinahiya ng France ang Australia para makuha ang ikatlong puwesto ng FIBA World Cup 67-59.

Nanguna sa panalo si Nando de Colo na mayroong 19 points habang 16 points naman si Evan Fournier.

Hawak ng Australia ang kalamang mula una hanggang third quarter at pagpasok ng last quarter ay doon na umarangkada ang France.

Nasayang naman ang pinagsamang 32 points ni Patty Mills at Joe Ingles ng Australia.