Naitala ng Chamber of Thrift Banks (CTB) ang kabuuang assets na P1.10 trilyon noong Disyembre 2024, 6% na pagtaas mula sa nakaraang taon.
Lumago ng 14.7% ang pagpapautang sa sektor o P777.28 billion, habang tumaas ng 4.7% ang deposito sa P826 bilyon, indikasyon ng patuloy na tiwala ng publiko.
Nanatiling matatag ang kapital ng mga thrift bank sa P174 bilyon, na may capital adequacy ratio na 17.88%, higit sa itinakdang regulasyon.
Aktibo ang CTB sa mga inisyatibo ng BSP, gaya ng Standard Business Loan Application Form (SBLAF), na layong pabilisin ang loan processing.
Patuloy ang pagsulong ng digital transformation ng mga miyembrong bangko, kabilang ang cybersecurity at digital literacy programs.
Gaganapin ng CTB ang ika-51 Annual Convention sa Hulyo 15, 2025 sa Makati, na may temang “Resilience in Hybrid Banking.”
Mula sa pagiging maliit na grupo noong 1974, lumawak ang CTB sa 36 na bangko na may mahigit 2,600 sangay sa buong bansa.
Ang Queen City Development Bank na bahagi ng Florete Group of Companies ay proud founding member ng Chamber of Thrift Banks.