-- Advertisements --

Pumalo na sa P100- bilyon ang kabuuang deposito mula sa anim na digital banks sa bansa.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, na mayroong mahigit P102.3 bilyon ang naitalang deposits sa unang tatlong buwan ng 2025.

Ito ay mayroong 33.2 percent na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.

Tumaas din ang bilang ng mga customers ng digital banks sa bansa ng 112 percent o katumbas ng 15.5 milyon depositors.

Naniniwala ang BSP na tataas pa ang nasabing bilang lalo na at tuloy-tuloy ang ginagawa nilang panghihikayat sa publiko na tangkilikin ang digital banking.