-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng biktima ng online selling scams.

Mula kasi noong Enero 1 hanggang Disyembre 4,2025 ay naitala nila ang 49.5 percent na pagbaba o katumbas ito ng 1,525 na kaso.

Mas mababa ito kumpara noong 2024 na mayroong 3,025 na kaso sa parehas din na buwan.

Ang nasabing pagbaba ng mga online scams sa bansa ay resulta ng pinaigting na kampanya ng PNP gaya ng cyber patrolling, digital investigation at pagpapaalala sa publiko.