NAIA TERMINAL 3 1

Nagdesisyon ang Civil Aeronautics Board (CAB) na pansamantalang suspindehin ang mga byahe mula sa Wuhan, China patungo sa Pilipinas dahil sa kumakalat na sakit doon.

Ayon kay CAB Director Carmelo Arcilla, ito ang naging pasya ng board matapos ang pulong na ginawa kanina.

Sinabi ni Arcilla na walong flights ang pumapasok sa bansa kada araw mula sa Wuhan at lumalapag ito sa iba’t ibang paliparan sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng suspensyon ng mga byahe, naniniwala ang CAB na mababawasan ang posibilidad na makapasok sa ating bansa ang mga nagtataglay ng Wuhan type na corona virus.

Nilinaw naman ng opisyal na temporary action lamang ito at maaaring magbago, alinsunod sa payo ng mga eksperto.