-- Advertisements --
Tiniyak ni US President Donald Trump na kaniyang ilalabas ang kaniyang financial statement bago ang 2020 election.
Kasunod ito ng kasong kinakaharap niya sa US tax returns at ilang financial information.
Ipinaggigiitan ni Trump na siya ay malinis at wala itong tinatago.
Ipinagmalaki pa nito na mismong si Specaial Counsel Robert Mueller ang nag-imbestiga at lumabas na wala itong anomalya sa kaniyang mga financial records.
Magugunitang pinayagan ng attorney general ng New York ang state tax commissioner na makita ang state tax returns ni Trump.