-- Advertisements --

Lalo pang bumilis sa ikalimang sunod na buwan ang naitalang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong February 2021.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 4.7% ang inflation noong nakaraang buwan, na mas mabilis kumpara sa 4.2% na naitala noong Enero.

Ang pagtaas naman mga presyo ay dahil sa mabilis na pag-akyat ng halaga ng raw materials para sa pagkain at non-alcoholic beverages sa naturang buwan.

Sa bagong data, lumalabas na ang February inflation na ang pinakamataas o pinakamabilis mula noong January 2019.

Sa nasabing panahon kasi ay nai-record ang 4.4% inflation sa ating bansa.