-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Department of Education (DepEd) ang mga kumakalat na post sa social media na nagsasabing magkakaroon ng karagdagang Grade 13 sa senior high school simula sa School Year 2025–2026.

Screengrab mula sa @DepEd Philippines / FB

Tinukoy ng DepEd ang isang Facebook post na may pekeng publication material na nagsasaad ng umano’y bagong baitang sa senior high school. Nilinaw ng ahensya na ang senior high school ay mayroon lamang Grade 11 at Grade 12.

Paalala ng DepEd sa publiko na maging mapanuri at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon. Para sa opisyal na balita, bisitahin lamang ang DepEd Philippines official social media accounts.

Samantala, muling ibinalik sa pre-pandemic school calendar ang pasukan, kung saan ang susunod na school year ay magsisimula na sa Hunyo 16, 2025 at magtatapos sa Marso 31, 2026, alinsunod sa DepEd Order No. 12, Series of 2025.