-- Advertisements --
Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte na papayagan sila ng International Criminal Court na magsagawa ng panunumpa si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos na magwagi ito sa pagka-alkade ng Davao City nitong katatapos lamang na halalan.
Ayon sa Bise Presidente, na inaayos na lamang ng mga abogado nila sa ICC at dito sa Pilipinas ang proseso.
Binigyan aniya sila ng ICC ng hanggang tanghali ng Hunyo 30 para isagawa ang panunumpa.
Kapag nakuha aniya na nila ang proclamation papers ng dating pangulo ay maari na nitong isagawa ang panunumpa.
Hindi naman binanggit ng Bise kung paano ang gagawing panunungkulang ng ama bilang bagong alkalde ng lungsod ng Davao.