-- Advertisements --

Kinailangan nang ideploy ng Philippine Navy ang ilang mga warship nito sa mga probinsya ng Sulu at Basilan upang protektahan at sumuporta sa mapayapang halalan sa mga naturang probinsya.

Sa ilalim ng operational control ng Joint Task Force Orion (JTFO), idineploy ang BRP General Mariano Alvarez (PS176), BRP Juan Magluyan (PC392), at Boat Attack 485, sakay ang mag Navy SEAL.

Ang mga ito ay naatasan na bantayan ang ilang mga maritime area at panatilihin ang mapayapa at ligtas na halalan.

Sa naging statement na inilabas ng PN, ang deployment ng mga warship ay nagpapakita sa mahalagang papel nito sa halalan tulad ng paglalaan ng logistical support at transportation sa mga geographically isolated and disadvantage areas (GIDA) sa Mindanao.

Ang strategic deployment sa mga barkong pandigma, ayon sa PN, ay upang tiyaking mabantayan ang mga potential threat habang bumubuto ang mga botante.

Kabilang sa mga binantayan ng PN ay ang posibleng banta ng mga armadong grupo at mga criminal syndicate na posibleng maka-apekto sana sa nangyaring halalan.