Sa harap ng kakulangan sa bench depth, maaaring mawalan pa ng isang mahalagang kuponan ang Denver Nuggets sa Game 7 ng kanilang Western Conference semifinals laban sa Oklahoma City Thunder ngayong Linggo sa Oklahoma City.
Maalalang si Aaron Gordon, na nakaiskor ng game-winner sa Game 1, ay posible pang hindi makapag laro dahil sa iniindang left hamstring strain na nakuha sa Game 6.
Kinumpirma ito ni interim coach David Adelman, nakilahok si Gordon sa walkthrough nitong Sabado, ngunit hindi pa tiyak kung makakalaro siya.
Kung hindi makakalaro si Gordon, aasahan ng Nuggets si Peyton Watson, na may average na 4.7 points at 3.2 rebounds sa 14 minutes na bawat laro sa serye. Si Gordon ay may malaking ambag na 14.5 points at 9.2 rebounds kada laro.
Samantala, tila bumalik sa anyo si Nikola Jokic matapos ang mabagal na simula. Sa huling dalawang laro, nag-average siya ng 36.5 points, 14.5 rebounds, at 66.7% shooting, mas mataas kumpara sa unang apat na laro niya kung saan bumitaw lamang siya ng 39.1% shooting.
Sa panig ng Thunder, nakataya ang kanilang season matapos ang 68 panalong regular season. Ito ang unang Game 7 ng koponan mula noong 2020 laban sa Houston. Sina Shai Gilgeous-Alexander at Luguentz Dort lamang ang natitirang miyembro mula sa grupo.
Hindi inaasahang babaguhin ni Coach Mark Daigneault ang malalim na rotation niya kahit Game 7 na. Para kay rookie center Chet Holmgren, mahalaga ang laban ngunit mas dapat tutukan ang tamang paraan ng paglalaro kaysa sa pressure ng sitwasyon.
Nag-struggle si Jalen Williams sa huling tatlong laro, kabilang ang career playoff-low na anim na puntos sa Game 6.
May kalamangan sa playoff experience ang Nuggets, na may Game 7 win na kontra Clippers ngayong postseason. Kung mananalo sila, ito ang magiging ikatlong beses na makakabangon sila mula sa 3-2 series deficit, tulad ng 2020 playoff run nila.