-- Advertisements --
Tinawag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na isang “lame duck” o inutil na pinuno si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kinalabasan ng 2025 midterm elections.
Sa partial results ng halalan, tatlo sa mga pasok sa “Magic 12” ng senatorial race ay mga kandidatong suportado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte — ang dating among ni Roque.
Bilang tugon, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing nitong Miyerkules, kung lame duck ang pangulo at parang balewala na ang administrasyon, dapat bumalik siya kaagad dito si bansa.
Kasalukuyang nasa Netherlands si Roque upang humingi ng political asylum dahil umano sa political persecution sa Pilipinas. (report by Bombo Jai)