-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon mula noong pumasok sa pulitika sa Albay noong 1998 ay hindi nanalo si Cong. Joey Salceda.

Kumandidato si Salceda sa pagka-gobernador at hinarap ang pambato ng PDP-Laban na si Noel Rosal.

Batay sa resulta ng halalan sa naturang probinsya (May 15), kumamada si Rosal ng 401,615 votes habang 391,902 votes lamang ang nakuha ni Salceda.

Sa loob ng ilang dekada, nagsilbi si Salceda sa iba’t-ibang katungkulan sa probinsya ng Albay. Sa anim na gubernatorial elections sa naturang probinsya, apat na beses siyang tumakbo bilang unopposed.

Sa isang statement, sinabi ni Salceda na walang mas mataas na karangalan kungdi ang mahalin at mapagsilbihan niya ang probinsya ng Albay.

Mananatili aniya ang kaniyang commitment sa naturang probinsya.

Sa kabilang dako, sa kabila ng pagpili ng mga botante ng Albay ng isang PDP-Laban governor, mas pinili ng mga ito sina Sen. Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Erwin Tulfo, Pia Cayetano at Ping Lacson sa pagka-senador.

Nanguna si Aquino sa pagka-senador sa naturang probinsya at kumamada ng 422,922 votes habang pangalawa si Pangilinan na nakakuha ng 349,796 votes.

Tanging si Sen. Go ang kandidato ng PDP sa pagka-senador na nakapasok sa Magic-12 sa naturang probinsya kung saan kumamada siya ng 197,832 votes (No.7).