-- Advertisements --

Pinuna ni Sen. Bam Aquino ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa umano’y maling bilang ng ghost flood control projects na iniulat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Una nang sinabi ng DPWH na may 421 ghost projects mula 2016 hanggang 2025, ngunit binawasan ito sa 416 matapos matuklasang may mga duplicate.

Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, lumabas na 14 lamang sa mga ito ang tunay na ghost projects o mga proyektong hindi naipatayo.

Ang natitirang bilang ay mga flood control projects na itinayo sa maling lokasyon o may substandard na kalidad.

Nanawagan si Aquino na ilabas ng DPWH ang kumpletong listahan ng mga proyekto, kontratista, halaga, at proponent.

Iginiit niyang mahalaga ang transparency upang mapanagot ang mga sangkot at maibalik ang tiwala ng publiko.

Sa gitna ng kontrobersiya, hiniling ng senador ang patas na imbestigasyon at publikong paglalantad ng impormasyon. (report by Bombo Jai)