Tinawag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ‘overstaying’ na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Si Bonoan ay umalis sa bansa noong Nobyembre 11 ng nakaraang taon patungo sa US para magpagamot.
Subalit ayon kay Remulla na ‘overstaying’ na ito dahil sa mahigit dalawang buwan na ang dating kalihim sa US.
Maaring ideport siya pabalik ng Pilipinas ng US State Department kapag nalaman nilang overstaying na siya.
Kahit na nag-aplay ito ng extension at hindi naman naaprubahan ay maari itong pabalikin ng US State Department.
Si Bonoan ay nasa Immigration lookout bulletin matapos na masangkot sa anomalya sa flood control projects.
Nahaharap ito ng kasong administratibo na inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa P72.4 milyon na halaga ng mga ghost-projects.
















