-- Advertisements --

Isinusulong ngayon sa senado sa pangunguna ni Senator Erwin Tulfo ang random na pagiinspeksyon sa lugar mismo ng mga proyekto ng gobyerno upang matiyak na nagagamit ng tama ang pondo ng bayan at hindi masayang ang pera ng mga mamamayan. 

Kaugnay ito ng mga lumabas na isyu sa paggasta ng 2025 national budget. Kung saan nalantad ang mga umano’y anomalya sa paggamit ng pondo, partikular na ang napakalaking flood control project scandal. 

Sa ngayon ay isinusulong ang pagbuo ng Joint Congressional Oversight Committee upang subaybayan ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng gobyerno para masiguro na nagagawa ang mga ito at tama ang pinaggagamitan ng pondo galing sa 2026 Genaral Appropriations Act (GAA). 

Matatandaan kamakailan lamang ay linagdaan ni pangulong Ferdinand “bongbong” Marcos Jr. ang batas sa pambansang budget para sa taong 2026, kung saan ilan sa mga unprogrammed appropriations ang vineto ng presidente na umabot sa nagkakahalagang P92.5 bilyon. 

Kung kaya’t inaasahan na ang mga magiging bahagi ng isinusulong na komite ay matataas ang kredibilidad upang matiyak ng ang mga ilalabas na ulat o impormasyon ay siyang katotohanan lamang, ngayo’y may mga miyembro ng Kongreso na di-umano’y nagpasok o nag-endorso ng ilang mga proyektong pabor sakanilang pansaraling interes sa budget ng 2026.