Tinawag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na isang panggigipit sa kaniya ng kasalukuyang administrasyon sa inilabas na warrant of arrest laban sa kaniya dahil sa kasong human trafficking.
Kasama sa pinaaresto si Cassandra Ong ang namamahala umano ng hilippine Offshore Gaming Operator (POGO) na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
Base sa dokumento na pirmado ni RTC Presiding Judge Rene Reyes na nakitaan nila ang sapat na ebidensya si Roque, Ong at siyam na iba pa na lumabag sa Anti-Trafficking in Persons Act onf 2003.
Sinabi naman ni Roque na kaniyang iaapela ang nasabing kaso kung saan gagamitin din niya ang nasabing paglabas ng warrant of arrest sa kaniyang aplikasyon ng asylum sa the Netherlands.
Si Roque kasi ay nasa the Netherlands para humingi ng asylum dahil sa panunupil umano ng gobyerno sa kaniyang karapatan.