Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.2 ang bahagi ng Visayas nitong Sabado ng umaga.
Naitala ito sa lalim na 10 kilometro sa hilagang-kanluran ng lungsod ng Sipalay, Negros Occidental.
Ang pagyanig ay naramdaman sa iba’t ibang lugar, na may Instrumental Intensity II sa Anini-y, Antique; Argao City, Cebu; Lungsod ng Iloilo; at La Carlota City, Negros Occidental.
Samantala, mas mahina ngunit ramdam pa rin ang paggalaw sa Culasi at San Jose City, Antique; lungsod ng Roxas, Capiz; Nueva Valencia, Guimaras; at lungsod ng Passi, Iloilo, kung saan naitala ang Instrumental Intensity I.
Ang biglaang pagyanig ay nagdulot ng pag-aalala sa mga residente, bagamat walang naitalang matinding pinsala sa mga istruktura.
Patuloy na sinusubaybayan ng mga eksperto ang sitwasyon habang hinihikayat ang mga mamamayan na manatiling alerto at sundin ang mga patakarang pangkaligtasan sa lindol.