-- Advertisements --

Nakitaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng ilang pagkakapareho ang dalawang binabantayang aktibong bulkan: Mayon at Kanlaon.

Ang dalawa ay parehong nasa ilalim ng Alert Level 2.

Ayon kay Mayon Volcano resident volcanologist Dr. Paul Alanis, parehong namamaga ang palibot ng dalawang bulkan, na sinyales ng pag-akyat ng magma mula sa ilalim ng mga ito.

Pareho rin aniyang gumagawa ang dalawang bulkan ng mga panaka-nakang volcanic earthquakes na nagpapakita ng tuloy-tuloy na aktibidad sa ilalim nito.

Sa kabila nito, nagkakaiba naman ang eruption characteristics ng dalawa kung saan madalas na makitaan lamang ang Kanlaon ng lumalabas na abo habang ang Mayon ay madalas makitaan ng paglabas ng lava, tulad ng mga nangyari na sa mga nakalipas na taon.