-- Advertisements --

Sinabi ng Malacañang na igagalang ang due process at rule of law sa kaso ng Army colonel na na-relieve matapos umurong sa suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat nakabatay sa ebidensya ang pananagutan. Nakikinig at nagmamatyag aniya ang Pangulo. Kung sinuman ang may dapat na panagutan, ebidensya ang gamitin.

Inutusan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Antonio Nafarrete ang agarang relief ni Col. Audie Mongao upang bigyang-daan ang masusing imbestigasyon ng Training Command. Ayon sa ulat, umatras si Mongao sa kanyang “personal support” para kay Marcos epektibo Enero 9.

Hindi tinukoy ni Mongao ang tiyak na dahilan ng kanyang desisyon ngunit binigyang-diin na “the Filipino people is worth fighting for.” (reoort by Bombo Jai)