-- Advertisements --

Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi dapat pagtuunan ng oras ang tinaguriang Cabral files, at mas mahalaga aniyang suriin ang mga dokumento mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Ang Cabral files ay umano’y listahan ng mga insertions at kanilang proponent ng yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral.

Mas gusto niyang tutukan ang mga posibleng ghost flood control projects sa Luzon, Visayas, at Mindanao at panagutin ang mga responsable. Paliwanag niya, ang tanong sa Cabral files ay kung alin ang may SARO (Special Allotment Release Order) o NCA (Notice of Cash Allocation), at kung alin sa mga proyekto ang naipatupad at sino ang nagpasok.

Tinalakay rin ni Sotto ang alegasyon ni Sen. Imee Marcos na limitado lamang sa DPWH officials ang maaaring tanungin sa flood control hearings.

Wala pang nakatakdang petsa para sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa usapin ng flood control anomalies. (report by Bombo Jai)