-- Advertisements --

Nanguna ang aksidente sa kalsada sa tala ng Department of Health (DOH) sa holiday injuries.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, nahigitan na nito ang mga kaso ng firework-related incidents o mga naputukan dahil sa paggamit ng mga paputok.

Dagdag pa ng Kalihim na bumaba ang kaso ng insidente ng paputok subalit tumaas ang aksidente sa kalsada.

Ang mga kaso kasi ng aksidente sa kalsada noong Disyembre ay 1,384 na ito ay mataas kumpara noong nakaraang taon na mayroong 690 kaso o 101 percent na pagtaas.

Habang ang kaso ng paputok ay mayroong 720 kumpra noong nakaraang taon na mayroong 834.

Dahil dito ay pinag-iingat ni Herbosa ang mga motorista na huwag ng magmaneho ng sasakyan kapag naka-inom na.