Pinangunahan ni PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ang panalo ng San Miguel Beermen 121-111 kontra NLEX sa nagpapatuloy na 2019 PBA Philippine Cup.

Nagtala ito ng 27 points, 13 rebounds habang mayroong 18 points si Alex Cabagnot, 17 points ang nagawa ni Arwind Santos at 16 points naman kay Marcio Lassiter.

Tinawag naman ng 29-anyos na si Fajardo na tsamba ang pagpasok ng kaniyang three-points dahil sa dying seconds ito nangyari.

Hindi naman nito binabalewala ang pagkakataon na kapag may pagkakataon ay pagbubutihan niya ang pagtira ng three-points.