Posibleng pumayag na ang Department of Trade and Industry (DTI) na itaas ang presyo ng mga face mask.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, na maaaring gawin ng P12.00 kada piraso ang nasabing presyo nito mula sa dating P8.00.

Dagdag pa nito na kakausapin muna niya ang Department of Health (DOH) para sa nasabing plano.

Nauna rito sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na tumaas ang presyo ng raw materials ng face mask matapos ang malawakang demand nito mula ng kumalat ang novel coronavirus.