Inilista na ng UNESCO ang ”Xixia Imperial Tombs” bilang bahagi ng prestihiyosong World Heritage List, isang malaking karagdagan sa mayamang pamana ng kultura ng China.
Ang inskripsyon ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pandaigdigang kultura at kasaysayan nito, at nagsusulong sa mundo na tuklasin ang isang mahalagang yugto sa Silangang Asya na matatagpuan sa west Yinchuan, kapital ng Ningxia Hui Autonomous Region.
May malawak na disyertong tanawin, ang Xixia Imperial Tombs na lugar na naglalaman ng siyam na mausoleo ng mga emperador at higit sa 270 mga tomb na nakalibing.
Kilala bilang “Oriental Pyramids” dahil sa kanilang kakaibang disenyo at monumento, ang mga libingan ay nagsisilbing mahalagang bahagi ng kasaysayan at kultura ng sinaunang Tsina.
Ang Xixia o Tangut Empire (1038-1227 AD) ay isang makulay at estratehikong kabihasnan sa Silk Road, na kilala sa kanilang mga natatanging kontribusyon sa kultura, irigasyon, at kalakalan.
Sa kabila ng kanilang tagumpay, ang Xixia Empire ay tuluyang nasakop ng mga Mongol, at maraming bahagi ng kanilang kasaysayan at arkitekturang pamana ay nawala maliban sa mga libingan na ito.
Ang mga tomb na ito ay may kakaibang estilo ng arkitektura na hindi katulad ng mga karaniwang mounds ng mga ibang tombs sa China. Ang mga ito ay may mga estruktura na parang pagoda, at ang kanilang taas ay umabot ng higit sa 20 metro, na pinaniniwalaang mga labi ng mga multi-story tower.