-- Advertisements --

Nagbabanta ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa maraming probinsiya sa Visayas at Mindanao dahil sa epekto ng bagyong Basyang.

Batay sa report na inilabas ng state weather bureau, inaasahang makakaranas ng hanggang 100mm na pag-ulan ngayong araw (Feb. 4) ang mga sumusunod na probinsiya:

Visayas: Eastern Samar, Southern Leyte

Mindanao: Dinagat Islands, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Davao de Oro, Davao Oriental.

Bukas (Feb. 5), inaasahang tataas hanggang 200mm ang mararanasan ng mas maraming lugar. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

100-200 mm: Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur

50-100 mm: Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Bohol, Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Oriental

Magpapatuloy ang mga mabibigat na pag-ulan hanggang sa araw ng Biyernes kung saan mararanasan din ang hanggang 200mm na pag-ulan sa mga probinsiya ng Eastern Samar, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Agusan del Norte

Hindi inaalis ng weather bureau ang posibilidad na mas marami pang lugar ang makakaranas ng mas mabibigat na pag-ulan dahil sa pag-iral ng bagyong Basyang.

Posible ring mas mataas na bulto ng ulan ang babagsak sa ibang lugar, lalo na sa mga bulubunduking lugar na maaring magdulot ng biglaang pagbaha.