-- Advertisements --

Kaya umanong hamunin ng whistleblower at isa sa mga akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero na si Julie Patidongan alyas Totoy si retired judge at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Felix Reyes na magpa-lie-detector test.

Ito ay matapos itanggi ng retiradong hukom ang akusasyon ni alyas Totoy na pag-areglo niya sa mga kaso para sa negosyanteng si Atong Ang.

Kinuwestyon din ni Reyes ang timing ng pagsisiwalat ng naturang akusasyon laban sa kaniya kasabay ng kaniyang aplikasyon sa posisyon ng Ombudsman.

Subalit ayon kay alyas Totoy, bago gawin ang lie detector test kailangan muna niyang ipaalam ito sa kaniyang abogado.

Nauna na ring inakusahan ni alyas Totoy si Reyes ng pagbiyahe umano abroad kasama ang mga prosecutor at iba pang hukom para sa umano’y pag-areglo ng kaso.