Muling itinalaga ni US President Donald Trump sa White House ang dati nitong communications director na si Hope Hicks.

Magiging counsellor to the president at magrereport sa manugang ng US president na si Jared Kushner.

Magugunitang noong 2018 ng ito ay magbitiw sa White House at nagtrabaho sa Fox Corporation.

Unang sumali sa Trump family ang dating model noong 2014.

Nagsimula ito bilang aide ni Ivanka Trump ang anak na babae ng US president, sa kaniyang fashion brand.

-- Advertisement --