-- Advertisements --

Iminungkahi na ni US President Donald Trump na dapat magkaroon na ng pag-uusap ang Israel at Iran para mabawasan ang tensiyon sa dalawang bansa.

Nagpapatuloy ang ginagawang palitan ng rockets ng dalawang bansa kung saan ayon sa Iran na mayroong 128 katao na ang nasawi dahil sa pag-atake ng Israel habang mayroong 10 katao naman ang nasawi.

Iginiit naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang isyu ngayon ay hindi ang pagpapababa ng tensyon at sa halip ayang pagpigil sa Iran na gumawa ng nuclear weapon.

Tiniyak naman din ni Netanyahu na hindi nila nais na madamay ang mga sibilyan sa Iran.

Ipinagmalaki rin nito na mayroon silang koordinasyon sa US para sa pag-atake sa Iran.

Magugunitang maraming world leaders na rin ang nanawagan sa Iran at Israel na mag-usap na lamang.